Abante Tonite Interactive

Dionne tinanggi si Dave Moffatt

567

Nilinaw ni Dionne Monsanto ang mga espekulasyon na dyowa na niya ang kilalang Canadian pop rock boyband member na si David ng The Moffatts.
Napabalita kasing nagkakamabutihan na ang Kapamilya actress at ang nasabing bokalista ng grupo.

“I think it’s really funny that people think that Dave and I are dating because I’ve known Dave for three years now. And we’ve been friends ever since and I’ve posted pictures of us before and he’s posted pictures of us also before. It’s only now that people are thinking that we’re seeing each other in that way but we are not dating. We’re very good friends,” paliwanag niya.

Matatandaang naging viral ang photo ng dalawa kung saan maraming mga netizen ang kinilig sa kanilang sweetness.
Si Dionne ay minsan nang na-link sa isang Filipino-Swiss na nagngangalang Ryan Stalder na best friend ng kanyang kaibigang si Mickey Perz na alumnus ng PBB. (Archie Liao)