Abante Tonite Interactive

Diouf, CEU ariba;Trinity ginutay

293

Fergus E. Josue, Jr.

Tuloy ang ariba ng Centro Escolar University Scorpions sa 9th Philippine Basketball Association Deve­lopmental League eliminations nitong Lunes ng hapon sa likod ng tapang ni Maodo Malick Diouf.

Kinubra ng Scorpions ang ikalimang sunod na panalo nang himayin ang CD14 Designs-Trinity University of Asia White Stallions 93-69 sa JSCGO Gym sa Cubao, QC.

Nag-alab si Diouf para sa Scorpions nang umalagwa ang kampo 31-15 sa unang quarter. Tumapos siyang may 27 points at 18 rebounds habang bakas ng tig-13 puntos sina Judel Fuentes at Pierce Chan.

“I was worried about my team because (CD14 Designs-Trinity was) winless and my team might just take them for granted,” ani coach Derrick Pumaren.

“That’s what I’ve been harping on them, they’re 0-4 and if they’re gonna get their first win, they have to get it on the other teams.”

May tig-11 puntos sina John Ta­yongtong at Gab Reyes para sa White Stallions na nanatiling wala pang panalo sa limang laro.

Nagsabwatan naman sina Michole Sorela at Jerwin Gaco para sa McDavid na tumbukin ang 73-68 decision kontra Family Mart-Enderun at umentra sa win column sa lima ring salang, sinalya rin ang biktima sa 0-5.

May 22 pts. si Sorela at agapay si Gaco ng 10 bukod pa sa 14 boards para sa McDavid.