Abante Tonite Interactive

Diouf, CEU sa playoffs; Black Mamba nalo sa IH

219

Mga laro sa Lunes:
(FilOil Flying V Centre, San Juan)
1:30 pm – St. Clare vs McDavid-La Salle
3:30 pm – iWalk vs Marinerong Pilipino
5:30 pm – Hazchem vs Asia’s Lashes

Tinambakan ng 36 points ng Centro Escolar University ang iWalk, 120-84, para makatabla ng playoffs sa next round ng 9th PBA D-League Foundation Cup Huwebes sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Ganado si Senegalese big man Malick Diouf, lumagare ng 29 puntos, 21 rebounds, 8 assists, 5 blocks at 2 steals upang pamunuan ang Scorpions sa imakulada pa ring markang 4-0 at saluhan liderato ang Marinerong Pilipino sa Group A ng midseason conference eliminations.

Tumulong si Rich Guinitaran ng 21 points, 6 rebounds at 3 assists habang si Kyle Sunga ay nag-ambag ng 17 markers at 9 dimes.

“Ang objective namin is to win kasi iWalk is only 2-1. Kapag naka-tie namin ito baka mahirapan pa kami sa next round,” wika ni CEU assistant coach Gabby Velasco, na pansamantalang humalili kay coach Derrick Pumaren.

Walang saysay ang pasiklab ni Bernue Bregondo sa Chargers na 19 pts. at 12 rebs. sa lagpak sa 2-2.

Bsa Group B, bumutas naman ng 23 markers si John Tayongtong upang bisigin ang Black Mamba Energy Drink (2-1) sa paglagare sa Italiano’s Homme (1-2), 80-75. (Aivan Denzel Episcope)