Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Diouf, Peyups ibabaon DLSU

0 49

Mga laro ngayon, Miyerkoles:

(SM Mall of Asia Arena)

2:00p.m.– UP* vs. DLSU

6:00p.m.– Ateneo* vs. FEU

(* with twice-to-beat advantage)

Puntirya ni Malick Diouf at ng UP Fighting Maroons na tagpasin sa pangatlong sunod na pagtutuos ang winalis sa two-round eliminations La Salle Green Archers sa pagsambulat ng 84th University Athletic Association of the Philippines men’s basketball tournament Final Four ngayong Miyerkoles sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay.

Hawak ang twice-to-beat advantage dahil No. 2 seed pagkatapos ng elims kung saan inungusan ang DLSU noong Abril 7 61-59 at nu’ng Abr. 23 72-69, patok ang State U na may apat pang kabit na pananalasa kesa sa Taft-based squad na may kambal lang patungo sa alas-2:00 ng hapong komprontasyon.

Tampok roon ang pagsilat sa dating walang dungis na top seed Ateneo Blue Eagles nitong Linggo, 84-83, kung saan lumagare si Diouf ng 18 points at 16 rebounds. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.