Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Diploma ‘di sapat para magkatrabaho agad – Salceda

0 314

Hindi lamang umano diploma ang dapat na hawak ng isang nagtapos sa kolehiyo, kailangan mayroon din itong skills.

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, chairperson ng House committee on ways and means, dapat dagdagan ng “value” ang mga nagtatapos sa kolehiyo upang mas mabilis itong makapasok ng trabaho.

Maaari umanong turuan ang mga college student ng skills na naibibigay sa mga kursong inaalok ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Mas kailangan na umano ngayon ng mundo ang skills kaysa sa diploma kaya dapat mag-ugnayan ang Commission on Higher Education (CHED) at TESDA upang magawa ito. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.