Director ng GABMMC, nabiktima ng hacker

Nabiktima umano ng hacker ang facebook account ng Director ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC).
Kasabay nito, nanawagan si Dr. Ted Martin, director ng GABMMC, sa lahat mga nakakakilala sa kanya, kamag-anak na huwag pansinin ang anumang solicitation na manggagaling sa kanya dahil may ibang gumagamit ng kanyang account.
Ilang kaibigan at kamag-anak na ang nagpaabot sa kanya ng balita na siya ay nanghihingi ng pera at nangungutang dahil siya daw umano ay mahigpit na nangangailangan ng pera dahil siya at ang kanyang anak ay naaksidente at nangangailangan ng pampagamot.
Maging ang kanyang mga kamag-anak abroad at mga kaibigan ay pinadadalhan ng mensahe ng hacker na nanghihingi ng P30,000-P40,000.
Tinatanong pa umano ng hacker kung may GCash ang kanyang mga kakilala para mapabilis umano ang transaksiyon, na ayon sa director ay pawang kasinungalingan. (Juliet de Loza-Cudia)