Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Direk Arlyn, Francis, Alan natulog sa bundok

0 531

MILDRED A. BACUD: Nakakatuwang after two years matapos ma-stroke ay nagbabalik si direk Arlyn dela Cruz sa pelikula.

Kung matatandaan niyo mga ka-Cuatros inatake siya nu’ng mga panahong nag-ocular inspection ang produksyon niya sa San Juan at Lobo Batangas. Ito ay para sa pelikulang ididirek he niya, ang Ninang Corazon na pagbibidahan sana ni Nora Aunor.

Masaya tayong makita si direk sa virtual presscon ng pelikulang ‘Nang Dumating si Joey’ ng Blank Pages Pages Productions. May naging epekto sa pagsasalita niya ang pagkaka-stroke pero kumpara dati ay 75% na bumuti ang lagay niya.

Nagkaroon pala ng maraming delays ang pelikula dahil sa pandemya. Pero sa wakas ay natapos na rin.

“Ang maganda kasi kaunti lang ang cast namin sa movie na ito so madaling iha-handle. Kahit sa crew kaunti lang kami kasi naman bawal.May mga sinusunod tayong guidelines kung ilang percent lang ang puwede. Maswerte naman kami kasi’ yung mga artistang kinuha namin ay magagaling at walang arte.”

Sa isang remote area na bundok sa Olongapo daw sila nag-shooting, “Nagtayo kami ng tent. Dun na kami natulog, kumakain.”

Nagpapasalamat naman si Arlyn sa kanyang close friend since college pa na si Bong Diacosta na producer sa pelikulang ito.

Matagal na raw nila gustong mag-collaborate sa isang pelikula at ngayon ay natupad na.

Kasama rin sa pelikulang ito sina Alan Paule, Isadora, Ernie Garcia, Rash Juzen at introducing ang dating Mr.Pogi na si Francis Joseph Grey.

GREY NAGPASILIP NG ‘KAYAMANAN’
RODEL FERNANDO: Thank God at tuluy-tuloy na ang paggaling ni direk Arlyn Dela Cruz. Natapos na rin niya ang pelikulang “Nang Dumating si Joey.” Patunay lamang na kapag mahal mo ang trabaho mo ay wala talagang makakapigil kahit may hindrance ika nga.
Anyway, may pagka-gay themed movie ang kanyang bagong obra but of course narito yung big factor na kapupulutan ito ng aral. Pinangungunahan ito ng batikang aktor na si Allan Paule na gumaganap na gay sa movie. Aminado nga ang aktor na marami nang beses na pinagdudahan ang kanyang gender dahil wala siyang kiyeme sa pagtanggap ng ganitong papel. Kung inyo pang natatandaan, ginawa niya noon ang Macho Dancer na kabaklaan din ang tema. First movie niya ito noong 1988.

Kasama pala sa movie ang baguhang aktor na si Francis Joseph Grey. Mukhang palaban ang binata dahil may ipinakita raw siya sa pelikula na nakakagulat. Feeling ko ay pinasilip niya ang kaniyang itinatagong kayamanan. At yan ang dapat ding abangan kapag ipinalabas na ang pelikula online.

PAULE ‘NAGLADLAD’ SA MOUNTAIN
ROMMEL PLACENTE Yes, si Francis Grey ay naging grand finalist sa Mr. Pogi 2019 .Dumaan muna siya sa audition bago niya nakuha ang role bilang si Joey Ayon kay direk Arlyn,hindi raw niya alam na sumali ito sa Mr.Pogi noon.

Sa tanong naman kay Francis kung hindi ba siya natakot na tanggapin at gawin ang pelikula to think na may pandemic?

“Hindi po Alam ko naman po na maalagaan nila kami sa set. Lagi nga po kaming may alcohol.Saka first film ko po,kaya ayaw kong palagpasin,” pakli niya.

Samantala, ang role naman ni Alan Paule sa pelikula ay isang artista na namundok at doon nagladlad.May mga aktor kaya tayo na makaka relate kay Allan na nai-isyu na bading na gusto na ring mag-out? Baka naman sa ibang bansa nila gagawin ito at hindi sa bundok. He!he!He!

BAGUHANG AKTOR HUMUGOT NG IYAK SA AMA
ROLDAN CASTRO: Promising si Francis at may pinaghuhugutan ang pag-arte. Nasa mundo ng politika sa Samar ang pamilya nila pero may pinagdadanan ang kanyang ama.

Ang kalagayan ng kanyang erpat ang inisip niya sa mga crying scene sa “Nang Dumating si Joey.”Dun siya humugot ng iyak.

Abangan sa Tonite L na L sina direk Arlyn at Francis sa May 28, 7PM sa Abante Tonite Facebook page at Abante Radyo Tabloidista.

Posibleng idetalye ni Francis ang nangyari tungkol sa pamilya niya.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.