Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Direk Cathy nayabangan kay John Lloyd

0 265

NI: ARCHIE LIAO

Sa tsikahan sa cast, writer at director ng digitally restored version ng Miss You Like Crazy para sa Sagip Pelikula, sinariwa nila ang kanilang karanasan noong ginagawa pa nila ang pelikula.

Sey ng writer na si Vanessa Valdez, favorite scene daw niya ang pagkikita ng mga karakter nina John Lloyd at Bea Alonzo sa park.

Agree naman si Bea dahil sobra raw siyang na-intimidate sa galing ni Lloydie roon.

Nahirapan daw kasi siyang makipagsabayan sa acting prowess nito.

Sa puntong ito, sinabi ni Direk Cathy na pati raw sa Malaysia kung saan partly kinunan ang pelikula ay marami ang napahanga ng aktor.

“Sabi ko kay John Lloyd ‘buwisit ka! bakit ganun kagaling?’ and then sabi niya, ‘eh hiningi mo eh!'” pagbabahagi ni Direk Cathy.

Inalaska rin niya nang pabiro ang actor sa buwelta nito sa kanya.

“Mayabang din itong taong (John Lloyd) to eh! Kabuwisit!”, ani Direk Cathy.
“Kasi ganyan yang mga iyan, they would ask ‘Direk, how do you want me to do this?’ So ang dami ko’ng sinabi. Eh naibigay! Tas sinabi ko parang ‘paano? Bakit?’ Tas sabi niya, ‘yun hiningi mo, diba?’ kayabang ding tao neto!” dugtong niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.