Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Direk Chito sasabak sa ‘Darna’

0 76

NI: ROLDAN CASTRO

Pangungunahan ng highly-acclaimed box office director na si Chito S. Roño ang “Darna: The TV Series.”

Magsisimula na ang taping ng programa sa Nobyembre kasama ang ‘master director’ na si Chito.

Siya ang nasa likod ng mga matagumpay na programa ng ABS-CBN na “Imortal,” “Lastikman,” at “Spirits”. Nagbabalik-telebisyon siya pagkatapos ng halos isang dekada para sa isa sa pinakamalaking proyekto ng Kapamilya network.

SM food to go Banner Ad

Bitbit niya ang natatanging galing sa visual effects production at pagkukuwentong may kurot sa puso .

Ang 2013 serye na “Maria Mercedes” ang huling TV project ni Direk Chito

Pagbibidahan ni Jane de Leon ang “Darna” na magbibigay-buhay sa paboritong Pinay komiks superhero na may natatanging kapangyarihan at kabutihang loob.

Ang JRB Creative Production ng ABS-CBN ang nakatakdang magprodyus ng “Darna: The TV Series.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.