Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Direk Coco aktibo na

0 681

NI:VINIA VIVAR

Matapos ang tatlong buwang pamamahinga because of the COVID-19 pandemic at sa pagtigil sa himpapawid ng ABS-CBN, balik-trabaho na si Coco Martin .Nag-resume na ng taping “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Sa Coco Martin.ph Instagram page posted last Tuesday ay makikita si Coco na nasa set and practicing “new normal” safety protocols tulad ng pagsusuot ng mask at mag-isang nanonood sa monitor bilang director.

May caption sa Instagram account na @cocomartin_ph na “Direk Coco is Back.”

Related Posts

Pero nakakalungkot na habang nasa taping si Coco noong Martes ay siya namang pagbaba ng Cease and Desist Order ng NTC for TV Plus and Sky Direct.

Gayunpaman, patuloy na mapapanood ang “FPJ’s Ang Proninsyano’ sa Kapamilya Channel sa cable.

Noong Lunes pa naman ay napanood na sa Kapamilya Channel ang first new episode ng FPJAP at napapanahon ang tema ng kwento tungkol sa isang infectious disease.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Coco hinggil sa bagong Cease and Desist order na inilabas ng NTC. Matatandaang naging very vocal ang aktor sa pagtuligsa sa gobyerno nang ipatigil ang pagsasaere ng ABS-CBN last May 5.

Leave A Reply

Your email address will not be published.