Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Direk Darryl hinanap P10M kita ng ‘Maid In Malacanang’

0 93

NI: VINIA VIVAR

Winner sa takilya ang opening day ng Maid in Malacanang last Aug 3, Wednesday. Ayon sa post ng Viva Films kahapon, nag-gross ng P21 million pesos ang pelikula sa unang araw ng pagpapalabas nito sa sinehan.

“21 million na pasasalamat sa aming opening day! Philippine cinema is back,” ang nakasaad sa art card na ipinost ng Viva Films sa kanilang Facebook page.

Nag-post din ng pasasalamat sa kanyang Twitter account si Ruffa Gutierres na gumaganap bilang former First Lady Imelda Marcos sa pelikula.

“P21 MILLION na pasasalamat sa aming opening day! Super grateful for the support!!” tweet ni Ruffa.

Masayang-masaya rin ang isa sa bidang si Cesar Montano sa pagbabalik ng sigla ng mga tao sa sinehan.

SM food to go Banner Ad

“We’re back !!! All glory to God !” post ni Cesar.

Sa kanyang VinCentiments FB page ay nagpasalamat din ang direktor na si Darryl Yap na may kasama pang hugot.

“Kahit pa kunwari di maintindihan ng mga pinklawans ang pre-selling at block screening, pinalalabas na libre ang tickets at namimilit kunô, tanggap na namin yang bitter reasons nila para mas lalo silang malugmok sa inggit. Hihihi,” post ni direk Darryl.

Naaliw kami na hinanap niya ang 10M dahil 31M ang boto ni President Bongbong Marcos noong nakaraang eleksyon.

“Pero yung AKALA KO BA 31 MILLION ang boto! BAKIT 21 MILLION LANG YAN?

“Bahala na kayo. may pang-mahjong na kami…sino babakas?” sey ni direk Darryl.

Leave A Reply

Your email address will not be published.