Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Direk GB numero uno ang serye, pelikula sa Vivamax

0 146

NI: ROLDAN CASTRO

Iba talaga ang werpa ng multi-genre director na si Direk GB Sampedro. Consistent na number 1 ang mga projects niya for VivaMax, mapapelikula o serye.

Proven na Top 1 Ang High On Sex sa series, at ngayon, Top 1 na rin ang Purificacion para sa movies

Mapa-sexy comedy or mapa- erotic psycho thriller, huling huli niya ang kiliti, hindi lang ng mga Pinoy kundi mga international subscribers ng number 1 Pinoy entertainment streaming service.

Samantala, ang pelikulang ‘Purificacion’ ay tinatampukan nina Cara Gonzales, Josef Elizalde, Ava Mendez, Rob Guinto, Kat Dovey, Stephanie Raz, Quinn Carrillo

Isa itong sexy thriller na magaganap ang kuwento sa

liblib na baryo ng Santa Monica. Naging malapit na sa puso ng mga tao ang pari na si Fr. Ricardo Purficacion (Josef Elizalde). Hinahangaan dahil sa kanyang magandang pag-uugali ,dedikasyon at pagmamahal sa lokal na simbahan. Role model para sa marami si Fr. Ricardo pero sa likod ng maamo niyang mukha at mabuting pagkatao ay may madilim siyang sikreto.

Sa pagdami ng mga report sa mga nawawalang kababaihan, magsisimulang mag-imbestiga si Police Inspector Gabriela Isidro (Cara Gonzales) at pilit na hahanapin kung sino ang may pakana ng lahat ng ito. Hihingi pa ito ng tulong kay Fr. Ricardo, sa paniniwalang may magandang reputasyon ang pari at malaki ang maitutulong nito sa kaso.

Hindi rin mamamalayan ni Gabriela na unti-unti na palang nahuhulog ang loob niya sa pari. Malulutas pa kaya ni Gabriela ang kaso at maibubunyag ang katotohanan? O patuloy na siyang mahuhulog sa isang pari?

Mula ito sa multi-awarded director na si GB Sampedro, na patuloy ang paggawa ng original content para sa Vivamax gaya ng mga pelikulang Kaka, Crush Kong Curly, Kinsenas Katapusan at Doblado, at ang Vivamax Original Series na High On Sex.

Leave A Reply

Your email address will not be published.