Abante Tonite Interactive

Direk Joel taas-baba ang ulo sa kandungan ng baguhang aktor

By
3,646

Mapangahas si Direk Joel Lama­ngan sa 2018 Cine­malaya entry na ‘School Service’ dahil me­ron siyang blowjob scene sa nasabing indie film.

Hindi siya direktor sa pelikula kundi artista. May eksenang bini-BJ niya rito ang sexy stud na si Kevin Sagra sa loob ng school bus.

Kuwento ni Direk Joel nang makatsikahan namin. Wala namang nakita sa BJ scene na ‘yon at simulated lang ito.

Walang hipuan ng notes at wala ring laplapan dahil ang eksena raw ay nagtaas-baba lang ang kanyang ulo sa may kandungan ni Kevin.

Grabe, paano siya napapayag gawin ang ganu’n ka-daring na eksena?

“Aba! Diyos ko, si Ke­vin Sagra, walang bayad! Ano ka ba?! Huy, huwag n’yong isusulat ‘yon, ha?!” natatawang bulalas ng batikang direktor.

Ang 23-anyos na si Kevin ay produkto ng ‘StarStruck’ Season 6 ng GMA. Hindi raw nahirapan si Direk Joel sa BJ scene dahil mabait ang kaeksena niyang si Kevin.

Nirerespeto siya sa industriya at kapita-pitagan ang kanyang imahe, tapos ay pumayag siyang gumawa ng ganu’ng klaseng eksena?

“Bakit? Eh sa totoong buhay, ginagawa ko naman ‘yun, no! Bakit ko naman itatago pa?

“Ito ba namang tanda kong ‘to, magsisinunga­ling pa ako?!” matagin­ting na sagot sa amin ni Direk Joel na ikinaha­lakhak namin nang bonggah.

Hindi ba siya nailang na isang 23-anyos na lalaki ang kaeksena niya sa BJ scene na ‘yon?

“Alangan namang kumuha ako ng kasing-edad ko? Ang ka-loveteam ko, sisenta anyos na? Parang hindi naman ako papayag! Parang hindi totoo ‘yan! Hindi realistic!” tili ng 64-an­yos na premyadong direktor.

Hindi ba tumama ang mukha niya sa bukol ni Kevin Sagra habang nagtataas-baba ang ulo niya sa eksena?

“Medyo!”

As in nadunggol-dunggol niya ang harapan nito?

Natawa na lang si Direk Joel at hindi na sumagot pa.

Kalerky, baka kabugin niya pa ang bidang si Ai-Ai delas Alas at siya ang manalo ng award para sa ‘School Service’ ha?

“Huy, hindi! Si Ai-Ai ang bida at producer din siya! Magaling siya sa pelikula!” hirit ni Direk Joel.

Si Louie Ignacio ang direktor ng ‘School Service’ na ipapalabas sa Cinemalaya 2018 sa August 3-12.

Miss Saigon kinopya?

Mas nagustuhan namin ang ‘Binondo: A Tsinoy Musical’ kesa sa ‘Maynila Sa Mga Kuko ng Liwa­nag: The Musical’ na parehong si Joel Lama­ngan ang direktor.

Gaya ng ‘Maynila’ ay mahaba rin ito, halos tatlong oras ito na puwede pang putulan para mas bumilis ang mga eksena.

Magaling naman sina David Ezra at Carla Guevara-Laforteza bilang Ah Tiong at Lily, pero sabi ng kaibigang Jerry Olea ay mas nahusayan siya at mas naramdaman niya sina Arman Ferrer at Shiela Valderrama-Martinez.

May love scene sina David & Carla at ang dami nilang laplapan scenes.

Magaling din si Noel Rayos bilang si Carlos na ka-love triangle nina Ah Tiong at Lily, habang si Ima Castro bilang Mrs. Dela Rosa ay agaw-eksena ang boses without her trying.
Ang gandang panoorin na dalawang da­ting nag-‘Miss Saigon’ sa London na sina Ima at Carla ang magkaeksena bilang mag-ina.

Actually, ang daming scene sa musical play na ito na tila kinopya sa ‘Miss Saigon’ mula sa staging, blocking, pati sa choreography tulad nu’ng ‘Eternity’ na mala-‘Fall of Saigon’ at ‘Ang Bagong Tsina’ na mala-‘Morning of the Dragon’.

In fairness ay naluha kami sa isang tou­ching scene sa may ending nang makilala ni Ah Tiong ang naging supling nila ni Lily na si Ruby.