Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Direk Lino pumiyok sa paghingi ng donasyon ni KC

0 122

Matapos ang tatlong taong termino ni Lino Cayetano bilang Mayor ng Taguig City, muling nagbabalik ang producer/director sa showbusiness na una naman niya talagang pinanggalingan bagama’t pamilya rin naman sila ng politiko.

Humarap si direk Lino kahapon sa entertainment press para excited na ibalita ang kanyang pagbabalik at magpasalamat na rin sa suporta ng showbiz reporters sa kanya all these years.

Aniya, nagdesisyon siyang huwag nang tumakbong muli nitong nakaraang eleksyon para magbigay-daan sa kanyang sister-in-law na si Lani Cayetano na siyang kumandidato bilang alkalde ng Taguig at nanalo naman.

“Nun’g nagsabi si Mayor Lani na gusto niyang tumakbo, nagbigay-daan ako, parang nakita ko ‘yung sarili ko na mas marami akong pwedeng gawin dito sa industriya,” pahayag ni direk Lino.

“Na ‘yung experience ko, ‘yung napagdaanan ko bilang isang Mayor ng isang malaking syudad, lalong-lalo na noong pandemya, ‘yung experience ko being a local chief executive, bringing that here and running a small company and working with the other networks to be able to produce more material.

“Hindi lang ‘yung marami akong matutulungan sa industriya natin pero more than that, ‘yung makapagkuwento pa at makabuo pa ng masa maraming mga kuwento,” he added.

Ipagpapatuloy ni direk Lino ang pamamahala ng naitatag na niyang produksyon noong 2017, ang Rein Entertainment na siyang nag-produce ng Bagman series ni Arjo Atayde. Of course, aside from producing ang creating content, he’s also making a comeback in directing na mahigit 15 taon din niyang naging propesyon.

SM food to go Banner Ad

Sa kanyang pagbabalik ngayon, willing ba siyang idirek at makatrabaho ang ex-girlfriend niyang si KC Concepcion?

“Ay oo naman, friends naman kami,” mabilis niyang sagot. “Saka, sana, maging successful ‘yung. . .I know she’s shooting a movie abroad,” dagdag niya.

Natanong nga rin ang reaksyon o opinyon niya na naba-bash ngayon si KC dahil humihingi siya ng donasyon sa kanyang fans para sa post production ng international movie niyang Asian Persuasion.

Ayon kay direk ay naiintindihan daw niya si KC dahil hindi naman daw ito humihingi ng tulong para sa sarili kungdi para sa proyekto.

“As a producer, naiintindihan ko ho na a project has a life of its own. And ‘yun nga, kahit naman ho may mga involved sa proyektong ‘yun na malalaking tao, kahit na may production arm or producer na involved, every project has a life of its own. Baka maliit lang ‘yung budget at maliit lang ‘yung ikinkuwento ng pelikulang ‘yun. Pero hindi ko ho masyadong alam ang detalye,” paliwanag ni direk.

Sa ngayon ay excited na si direk Lino sa mga proyekto nilang gagawin sa Rein Entertainment, una na nga rito ay ang proyektong pagsasamahan nina Ian Veneracion at Heaven Peralejo na kasalukuyan nilang ginagawa ngayon.

“It’s a very exciting project, hindi ko pa lang pwedeng sabihin ang details,” aniya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.