Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Direk Neal nagtampo kay James

0 186

NONIE NICASIO: Exciting ang tsikahan last Friday sa online show namin nina katotong Roldan Castro at Chuffa Mae na ‘Tonite L na L’. Napapanood ito sa Abante Tonite Facebook page.

Naging guests namin sina direk Neal Tan at James Blanco ng pelikulang ‘40 Days’ mula sa ComGuild Productions .

Inakala pala ni James na nagtampo sa kanya si direk Neal nang nagback-out ang aktor sa dating pelikulang ‘Balatkayo’.

Tumanggi pala si James sa naturang proyekto na may scene na naka-trunks lang habang naliligo sa dagat sa Dubai . May butt exposure pa sa matinding love scene nila ni Nathalie Hart. Matatandaan na si Polo Ravales ang pumalit kay James.

Nabanggit ni direk Neal, na napakagaan katrabaho rito nina Mayor Ina Alegre, James, at Michelle Vito. Very smooth daw at maayos ang naging shooting ng kanilang pelikula.

“Hindi ko inisip na director ako at si James naman, hindi niya inisip na artista siya, minsan nga tumutulong si James sa pagbubuhat ng mga gamit, basta tulungan kami sa set, ganoon siya kabait ,” saad ni Direk Neal.

CHUFFA MAE BIGORNIA: Balak ulit mag-produce ng pelikula si James .

Isa siya sa producer dati ng indie film na ‘Watawat, 8 years ago.’ Bet daw niyang ibalik ang istorya ng Pilipinas na parang nararamdaman niya na nawawala na.

Sey pa niya, dapat suportahan ng mga kapwa Pilipino sa paggawa ng iba’t ibang pelikula at serye. Hindi naman siya against sa Koreanovela o gawa sa ibang bansa pero parang na-adapt na raw natin s kaya nasasabi tuloy minsan na Pilipino pa ba ito? Pagdidiin ni James tangkilin natin ang sariling atin para mabuhay ulit ang ating kultura.

Dagdag pa nito, dapat magtulungan at ‘wag magsiraan na baka sa bandang huli ay mawalan lahat ng trabaho .

Sa kabilang banda nakitaan ng potensyal ni direk Neal Tan si James Blanco na magiging magaling na direktor . Habang sinu-shoot nila ang 40 days ay very vocal itong tumulong kung ano ang ikagaganda ng isang eksena. Kaya naman all out ang support ni direk Neal Tan oras na pasukin ni James ang

SM SuperKidsDay Banner Ad

pagdidirek at sumabak ulit sa pagpoprodyus.

INA LUMALIM ANG AKTING

ROLDAN CASTRO: Challenging ang comeback movie ni Pola, Mindoro Mayor Ina Alegre na ’40 Days’.

Pagbibida ni direk Neal Tan, napunta raw kay Ina ang klase ng role na ginagampanan nina Sylvia Sanchez, Irma Adlawan, Cherry Pie Picache, Eula Valdes. Talagang kaabang-abang ang acting na ipinamalas ng actress-politician.

Hirit ni direk, mas lumalim si Ina sa pelikulang ito. Kilala raw niya kasi ito hindi pa artista.Nagmomodelo pa lang noon si Mayora.

“Milya-milya ang tinalon,” lahad pa ni direk Neal.

Sa panayam naman kay Ina, proud siya na nakatapos ng magandang pelikula sa gitna ng pandemya. Pag napanood daw ito ay aakalain mong malaking pelikula dahil sa pagiging artistic ni direk Neal.

Love interest ba ni Ina si James sa movie?
“Gusto ko sana pero ayaw ni direk. Pero malay mo?,” pagbibiro niya

“Hindi,” seryoso niyang sagot.

Talbog!

Makipag-chiKantahan, tawanan, okrayan sa TONITE L NA L.! Live na live sa Abante Tonite Facebook Page, Abante Radyo Tabloidista Facebook page at YouTube channel tuwing Biyernes, 7PM.

Leave A Reply

Your email address will not be published.