Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Direk Romm bilib kay Gina

0 310

NI: ROLDAN CASTRO

Nakapag-second day shoot na ang multi-awarded director na si Romm Burlat sa pelikulang ‘Minsa’y Isang Alitaptap’.

“Heart rending scenes.mabigat pero nakaraos din,” deklara ni direk sa aming text-tsika.

Challenging sa kanya ang movie na ito dahil first time niyang idirek si Gina Pareño.

“Malaking karangalan na maidirek si Tita Gina. This is my biggest film so far. Everyone dreams of directing Gina Pareño,” sambit niya.

Bilib din siya sa pagiging propesyonal ni Gina.

“Very cooperative. She follows instructions religiously. Sabi nya susunod s’ya kung ano gusto ko in terms of acting,” lahad ni direk.

Ang ‘Minsa’y Isang Alitaptap’ ay prodyus ng TTP ni Ms. Teresita Pambuan, katuwang ang ROMMantic Entertainment Productions

Related Posts

Ang naturang pelikula ay tinatampukan din nina Teresa Loyzaga at Ron Macapagal. Special guest si Diego Loyzaga.

May pasampol si direk Romm kung paano tatakbo ang istorya ng pelikula na sinulat nina Marvin Gabas at Paola Villena.

“Ang kuwento ng Minsa’y Isang Alitaptap ay tungkol kay Lucia (Teresa) at sa kanyang pagbalik sa lugar kung saan siya lumaki, kasama ang kanyang mga magulang. Sa kanyang pagbabalik, manunumbalik at muling mabubuksan ang mga alaala ng nakalipas na kanyang iniwan noong panahong kinailangan niyang itago sa dilim ang isang pangyayari na para sa kanya ay isang trahedya na nagpabago sa kanyang buhay. Tulad ng mga alitaptap na madalas ikuwento ng kanyang inang si Amelia (Gina), muling didingas at liliwanag ang mga alaalang kanyang tinakasan.”

Dagdag din ni direk Romm mapaghamon ang papel ni Ron.

“Ron plays a dual role. He is Darcel, the lover of Teresa and Abner, the neglected son of Teresa. Teresa after a traumatic experience left her place and adopts children whom she considers her family. Gina Pareno is Teresa’s mom who has Alzheimers disease.”

Hindi biro na gaganap siyang ama at anak.

Pagmamalaki pa ni direk Romm ay mapapansin ang acting nina Gina, Teresa at Ron sa pelikulang ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.