Abante Tonite Interactive

Direk Sigrid ayaw munang makatrabaho si Lim

905

Hindi ikinaila ni direk Sigrid Andrea Bernardo na nagkaroon sila ng creative differences ng kanyang “Untrue” star na si Xian Lim. Ito’y habang ginagawa nila ang nasabing pelikula sa Georgia.

“I think lahat naman ng produksyon meron namang isyu. I don’t want to say na wala namang na­ging problema or what. But for me, during the shoot wala akong problema sa kanya. Wala akong masasabi sa kanilang dalawa ni Cristine, they’re all professionals. Lahat naman ng production, nagkakaroon ng problema and ako sa akin, wala na iyon,” aniya.

“Ang importante, na-resolve na naman siya at tapos na and let’s move on, kasi we have a good film for everyone to see. We did our best. I’m very proud of them because they really did a good job,” dugtong niya.

Ayaw rin niyang tumbukin kung pagde-debut ni Xian bilang director ang naging dahilan ng kanilang hindi pagkakaunawaan.

Hirit pa niya, ­sobrang proud daw siya sa mga lead ­actors niya na mala­king rebelasyon sa kanyang obra.

Natigilan si ­direk bago sinagot ang tanong kung gusto pa ba niyang makatrabaho si Xian.

“Why not, but not anytime soon not unless magkakaroon ng part 2 ang movie,” pakli niya. (Archie Liao)