Abante Tonite Interactive

Direktor binatikos ang kakunatan ni Jameson

By
1,847

Nakatikim ng katakot-takot na pangba-bash ang Hashtag member na si Jameson Blake mula sa mga netizen dahil sa tweet niya na naghahanap ng graphic designer na willing siyang igawa ng cover photo at ang kapalit ay isang shout out from him.

“Any graphic desig­ners here? Who’s willing to make me a cover/photo banner for (ex. Youtube, twitch). I need a banner with the username “LucidExpress.” Best one gets a shout out from me,” ang tweet ni Jameson na burado na ngayon.

Nagalit ang mga netizen sa ‘libreng’ panghihingi ng serbisyo ni Jake sa mga graphic designer dahil ‘shout-out’ lang ang makukuhang kapalit ng mga ito.

Sino raw ba si Jameson para umasta nang ganito, minama­liit ang mga graphic designer, nakakahiya, makapal ang mukha, bakit ayaw magbayad, etcetera.

Pati ang direktor na si Gino Santos ay hindi napigilang batikusin si Jameson.

“Shame on you, @Hashtag_Jameson.

“When celebrities fish for things from the fans. . .major cringe.

“Guys, mahal mahal ng tuition fee! Know your worth!

“These Graphic Designers/Artists did not graduate from their respective schools and spend countless hours honing their craft just to get a “shout out”. @Hashtag_Jameson I hope that poor girl got something besides just a mention. Set an exampl­e. Be more than a celebrity.”

‘Yan ang sunod-sunod na tweets ni direk Gino.

Tila natauhan naman si Jameson at humingi na ng tawad sa kanyang post.

“I apologize to all the graphic designers thinking I’m trying to degrade their art work for something little as a ‘shout-out’ I know graphic designing isn’t an easy job and it requires a lot of work.

“I did not expect this would become a big issue. I was basically seeking volunteers, no one HAD to do it. I wasn’t obligating anyone to make one. It was just a favor.

“Probably a shout out would have done nothing but I could have returned the favor by promoting the artwork. Promoting in ways for the artwork to be known & exposed and you never know, people would actually like it. But if that’s not the case, just simply ignore my tweet.

“Once again, I’m sorry and have no intention to look down on gra­phic designers and their artwork,” ang tweet ni James.

Kahit nag-sorry na ang aktor, hindi pa rin kumalma ang mga netizen dahil anila, humi­hingi nga raw ito ng paumanhin pero dyina-justify pa rin ang ginawa na parang ang dating ay “sorry, pero wala akong ginawang masama.”

Ikinagalit din ng mga netizen ang statement ni Jameson na pwede naman niyang i-promote ang artwork para ma-expose at makilala dahil parang ipinangangalandakan din daw kasi ng aktor na sikat siya kaya pwede ring sumikat ang designer dahil lang sa ‘shout out’ niya.

Actually, mali kung sa mali naman talaga si Jameson at pati ang paraan nga naman ng pagso-sorry niya ay may mali rin. We can really sense some ‘yabang’ sa kanyang mga pahayag at kahit nagso-sorry, wala kaming makitang humbleness man lang.

Hindi namin alam kung lumaki na ba ang ulo niya sa isang basong tubig or sadyang ganyan na siya ‘kaangas’ noon pa.

Pero dahil bata pa siya (only 21), mas gusto naming isiping immature pa siya at hindi masyadong nag-iisip.

Let’s see in the coming days kung mawawala ang ‘yabang factor’ na ito ni Jameson. Basta sa ngayon, may marka na siya sa mga tao.