Abante Tonite Interactive

Direktor ng DARNA, na-pressure kay WONDER WOMAN

By
16

AMINADO si Direk Erik Matti na nakakaramdam sila ng pressure kung paano nila pagandahin lalo ang Darna ni Liza Soberano, pagkatapos ng showing ng Wonder Woman ni Gal Gadot.

Pahayag ni direk Erik, “Ang laki ng pressure talaga, because we thought all along that we would be coming out before Wonder Woman.

“But now that Wonder Woman is out and we’re just about to start Darna, of course we’re trying very hard to… hindi naman iparehas but at the same time to come up with something really uniquely Filipino na superhero.

“I think ‘yun ang hinahanap namin na balance.”

Matinding paghahanda na ang ginagawa nila dahil gusto nila na may kaibahan ito sa mga nakaraang Darna, at hindi maiwasang makumpara ito sa Wonder Woman.

Pero natutuwa siya dahil tingin niya, perfect choice si Liza Soberano na ipalit kay Angel Locsin.

Puspusan na ang training ni Liza. Halos isang buwan na siyang nagti-training para mas kapani-paniwala ang pagganap niya sa sikat na Pinoy super heroine.

Liza Soberano“Liza is just perfect, fresh. She’s good pick because ang features niya talaga… she could be very sweet, very innocent, at the same time, she could be fiery, brave… parang puwede siyang mag-represent ng babaeng Pilipino,” pahayag ng kilalang direktor.

Iyun lang muna ang puwedeng sabihin ni direk Erik tungkol sa DARNA dahil hindi pa niya puwedeng sabihin ang iba pang detalye.

Ayaw niyang sabihin kung kailan magsisimula ang shooting at kung sino pa ang ibang artistang gaganap sa ilang mahalagang role sa naturang project.

Ayaw niyang sagutin ang tanong kung kasali ba sina Anne Curtis at Iza Calzado.

Pati sa costume ni Darna na isusuot ni Liza ay ayaw niyang sagutin ang sinasabi ng iba na medyo conservative ito.

Marami raw nagbigay ng design, pero ayaw niyang magbigay ng ideya kung anong klaseng costume ito, at kung sino ang designer.

“We’ll probably work on maybe 15 types of costumes for Darna, and of course we’re trying to come up now with the design that’s really fitting of Liza.

“We’re trying to bring Darna to the modern contemporary setting and we want Darna to be progressive para hindi siya costume lang, kundi gusto rin namin na functional ‘yung costume na hindi lang siya pampaganda sa kanya kundi may silbi siya as superhero,” medyo tipid pang paliwanag ni direk Erik sa costume ni Liza.

Hindi rin niya masabi kung intended ba ito sa Metro Manila Film Festival 2017. Nasa Star Cinema ang desisyun kung isasali nila ito.

Samantala, nag-story conference kahapon ang pelikulang gagawin ng Star Cinema na pagbibidahan nina Vice Ganda, Daniel Padilla at Pia Wurztbach.