Abante Tonite Interactive

Direktor umaming naka-take 10 si Aga

514

Inamin ni direk Nuel Crisostomo Naval na totoong na-take 10 si Aga Muhlach sa ilang mga eksena sa Metro Manila Film Festival entry na “Miracle in Cell No. 7”, pero aniya ay sa first three days lang naman ng shooting.

“First 3 days kasi, siyempre, kinakapa pa nga niya ‘yung role niya and since hindi nga niya pinanood ‘yung movie (the original Korean version), so, siyempre, hindi niya alam kung paano niya talaga aatakehin ‘yung role,” pahayag ni direk Nuel sa presscon para sa nasabing pelikula.

Pero pagkatapos daw ng 3rd day ay puro take 1 na ang aktor.

“Smooth na. Especially nu’ng pumasok na rin sa preso (ang karakter ni Aga), dire-diretso (na). Actually, chill lang ‘yung pag-shoot namin ng movie na kahit ako, na-surprise ako.

“I mean, I’m humbled na these guys (the cast), they trusted me as a director, so, sobra akong thankful din sa kanilang lahat. Binigay lang nila talaga ‘yung 100% nila.

“Everyday, I look forward in going to the shoot, hindi mabigat ‘yung pakiramdam mo, hindi mo hinihila ‘yung sarili mo because you know, you’d be working with the best sa industry,” pahayag pa ng direktor.

Paliwanag naman ni Aga, sobrang galing daw kasi ng mga kasama niya tulad nina John Arcilla, Jojit Lorenzo, Mon Confiado, Joel Torre at iba pa. Idagdag pa raw ang child actress na si Xia Vigor na sobrang husay rin daw at sey nga ng aktor ay “manang” daw ang tawag niya.

“So, ang sarap. Mon, itong mga ‘to, lahat ng eksena nila, manonood ka talaga. Bilang artista, nanonood ako sa kanila, habang umaarte ako, tapos binibigay nila sa akin ‘yung ganu’ng arte, parang wow talaga!” sey ni Aga.

Matagal-tagal na ring hindi nakakasali si Aga sa MMFF and for 12 years now ay sa Amerika sila nagpa-Pasko ng kanyang pamilya. Pero dahil may entry siya this year, for the first time after more than a decade ay dito sila sa Pilipinas magpa-Pasko at Bagong Taon.

“Ah, the kids are big now. They’re already teens, you know, may mga lakad na sila, they’re excited to spend Christmas here not probably because kasama kami but because they’re gonna be spending with their friends also na hindi nila nakasama for how many years ng Christmas and New Years. So, wala kaming issue do’n,” pahayag ni Aga.

Ang asawa naman daw niyang si Charlene Gonzalez ay talaga namang napaka-supportive wife at masayang-masaya raw ito para sa kanya ngayong natupad niya ang matagal na niyang pangarap na movie sa MMFF.

“She’s just the happiest for me. So, our Christmas is gonna be nice. Even sa float, sasama siya sa akin,” sey ni Aga.

Pati raw ang mga anak nila ay kasama sa float at gusto niya itong ipa-experience sa kanyang pamilya.

Vhong humingi ng dispensa sa kasal

Pagkatapos ikasal sa Japan at honeymoon na rin, balik-trabaho na si Vhong Navarro at nag-report na sa “It’s Showtime”. Binigyan din siya ng mainit na pag-welcome ng mga kasamahan gayundin ay binati siya sa bagong chapter ng kanyang buhay.

Tinanong si Vhong kung bakit sa dinami-dami ng lugar ay sa Japan pa niya naisip na magpakasal, aniya ay very memorable raw sa kanila ni Tanya Bautista (his wife) ang nasabing bansa. Parang may something daw ito sa kanya na pati mga pagkain ay gustong-gusto niya. Feeling nga raw niya ay Japanese siya sa past life niya.

Humingi ng dispensa si Vhong sa publiko kung bakit hindi nila inilabas ang news ng kasal dahil aniya ay very private raw ang kanyang asawa at hindi naman artista. Kaya naman naging very private rin ang wedding.

Nang matanong kung ano ang kanyang mensahe para sa kanyang asawa, sey ni Vhong, “Una sa lahat, mahal, salamat. Tanya, maraming salamat sa pagtanggap at pag-stay sa akin sa maraming pinagdaanan natin sa buhay.

“Isa sa wish ni Daddy, noong nabubuhay pa, ikaw ang makasama ko habang buhay, at natupad natin ‘yon.”

Pinasalamatan din ni Vhong ang pamilya ni Tanya gayundin ang family niya sa pagtanggap sa kanilang dalawa.

“Sa family mo, salamat din po dahil hindi niyo ‘ko iniwan. Sa family ko, salamat din dahil tinanggap niyo kami nang buong-buo ni Tanya. Mahal, ikaw na, habang buhay. I love you,” ani Vhong.