Abante Tonite Interactive

Direktor, writer imbyerna sa aktor

825

NI: RODEL FERNANDO

Malaki na rin ang pinagbago ng batikang aktor na palaging napapanood sa telebisyon. Masyado na raw siyang maarte ngayon maski sa script ay nakikialam siya. Sa isang teleseryeng kinabilangan niya ay namuhi sa kanya ang mga staff.

Minsan daw ang naimbiyerna sa kanya ang produksiyon dahil marami siyang pinapabago sa script. Sobra raw sa pagkairita ang writer at direktor kaya gumawa sila ng hakbang para matsugi siya. Nagtagumpay naman sila dahil pinatay ang karakter ng aktor sa teleseryeng panghapon ipinapalabas.

Bukod dito, may kaartehan na rin daw siya sa holding area. Ayaw na rin niya na may kasama siya at gusto niya ay solo lamang siya. Ayaw na rin niya nakikipagtsikahan.

Dati raw ay napakagiliw nitong si aktor sa cast at mga kasamahan niyang artista. Nakakapagtaka nga raw at biglang nagbago ang ugali niya eh hindi naman daw siya kasikatan.

Tonite – Wendys Inhouse Ad