Abante Tonite Interactive

‘Dirty coal contracts’ ‘di dapat paboran ng ERC

289

Umaasa ang mga residente sa paligid ng coal-fired facility na magiging makatao at ang kapakanan ng mamamayan at pagmamahal sa kalikasan ang ilalabas na desisyon ng Energy Regulatory Commission (ERC) at hindi nito papaboran ang kontrata ng enerhiya na gumagamit ng karbon na nakalalason sa mga residente.

“Dalawang dekada nang sinisira ng planta ng coal na ito ang kabuhayan at kalusugan namin. Dalawang dekada na naming tinitiis ang nakasusulasok na ha­nging binubuga nito. Kung bibigyan pa ito ng panibagong kontrata, magpapatuloy nang ilang taon pa ang paghihirap ng mga mamamayan ng Sual,” giit ni Rosanna Soriano ng Save Sual Movement.

Kasabay nito, hiniling ng clean energy at grupo ng mga konsyumer na ma­ging makatao at magpamalas naman ng pagmamahal sa kalikasan ang ERC sa pamamagitan ng pagbasura nito sa ‘dirty coal contracts’.

Nabatid na sa mga nalalapit na araw ay iaanunsiyo na ng pamunuan ng ERC ang naging desisyon sa aplikasyon ng anim na bagong po­wer contract ng Meralco.

Ayon kay Power for People Coalition (P4P) convenor Gerry Aran­ces, ang malaking bahagi ng mga pending power supply agreement (PSA) ng Meralco ay nagmumula sa coal o karbon, sa kabila ng paulit-ulit na panawagan at mariing pagtanggi ng mga consumer at apektadong komunidad.