Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dis-oras bumili ng yosi, binoga

0 122

Dahil sa paglabas ng bahay ng alanganing oras para bumili ng sigarilyo, naratay ngayon sa ospital ang isang lalaki matapos saksakin ng holdaper kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City.

Kritikal ngayon sa Valenzuela General Hospital ang biktimang si Julius, 36, taga-Valenzuela matapos sumailalim sa operasyon sanhi ng tama ng bala dibdib.

Agad namang nadakip ang suspek na si Ariston Vargas Jr, 39, ng 28 Bustamante St., Brgy, Tinajeros, Malabon City.

SM food to go Banner Ad

Nabatid na ganap na alas-12:50 ng madaling-araw nang lumabas ang biktima para bumili ng sigarilyo pagpakita umano ng suspek sa biktima ay tinutukan ng bitbit niyang cal. 45 pistol.

Sinasabing nag-agawan pa sa baril ang dalawa at sa gitna ng pagpapambuno ay nakalabit ng suspek ang gatilyo at tumama ang bala sa dibdib ng biktima.

Agad namang nakorner ng awtoridad ang suspek at nakumpiska ang ginamit na baril.

Leave A Reply

Your email address will not be published.