Abante Tonite Interactive

Disaster Resilience bill sertipikahang urgent

By
0 113

Hiniling ng isang kongresista na sertipikahang urgent ang panukala na magtatatag sa Department of Disaster Resilience.

Naniniwala si Assistant Majority Leader at 1-Pacman Party-list Rep. Mikee Romero na malaki ang maitutulong nito sa paglutas ng krisis sa tubig na posibleng lalo pang lumala dahil sa El Niño.

“To complement Malacañang’s efforts, we in Congress already have several bills, including HB (House Bill) 8165 creating the Department of Disaster Resilience,” pahayag ni Romero.

“I hope HB 8165 can be certified as urgent so the new Department of Disaster Resilience can take the lead on addressing the water crisis aggravated by the ongoing El Niño drought,” dagdag nito.
Inaprubahan na sa Kamara ang naturang panukala.

Noong Oktubre 2018 ay ipinadala na sa Senado ang HB 8165.