Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Diskarte inawat ng Kongreso: Punerarya niraraket mga na-COVID

0 474

Sa gitna ng patuloy na pagdami ng mga namamatay sa COVID-19, nanawagan si House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa mga operator ng pribadong crematorium na huwag nang pagkaperahan ang hinagpis ng mga namatayan.

Ayon kay Zarate, dapat ay bantayan at i-regulate ng gobyerno ang mga crematorium na mas mataas ang singil kapag ang bangkay ay namatay sanhi ng COVID-19.

“May mga natatanggap kaming mga reports na mas mahal daw ang singil ng mga private crematorium pag COVID-19 and dahilan ng pagkamatay ng isang tao, tapos dahil mahaba ang pila for cremation, sinisingil pa ng storage fee ang mga naulilang kaanak habang naghihintay ng schedule,” ani Zarate.

SM food to go Banner Ad

Dahil sa haba ng pila, hindi rin kaagad nasusunog ang mga bangkay.

“Dapat ihinto ang ganitong kalakaran at huwag naman po sanang pagkakitaan pa ang trahedyang nangyari sa mga kababayan natin na napalalaki na nga ng ginastos sa ospital at ngayon madagdagan pa ng malaking gastusin sa pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay,” dagdag pa ng solon.

“Dapat ay kagyat na bigyan ng pansin ito ng ating mga concerned officials at pakinggan agad ang panawagang ito ng ating mga kababayan upang hindi na maging pabigat pa sa kanila,” ani Zarate. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.