Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Diskarte ni Duque sa pandemya wa epek – Lacson

0 216

Umapela si Senador Panfilo `Ping’ Lacson sa pamunuan ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na tanggalin na ang tinawag nitong `autopilot system’ sa kagawaran dahil hindi naman na gumagana ang kanilang pagtugon sa pandemya ng COVID-19.

Ayon kay Lacson, dapat maging creative at innovative ang DOH sa pagkontrol ng coronavirus disease.

Ipinahayag ito ni Lacson kasunod ng pagsampa ng mga aktibong kaso ng COVID sa mahigit 100,000.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“It is time for top management of DOH to deactivate their ‘auto-pilot mode’ in fighting the pandemic. It’s clearly not working,” sabi ni Lacson sa kanyang Twitter account.

Nitong Lunes lang ay pangatlong araw nang lampas ng 14,000 ang mga bagong kaso ng COVID sa bansa.

“Maybe it’s time to be creative and innovative. Think, think, think – for a change,” payo ng senador sa DOH. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.