Abante Tonite Interactive

Diskarte ni Guiao sumakto sa PH 5 vs Kazakhs, binulabog!

1,690

Tagumpay ang scouting ng Team Pilipinas sa laro ng Kazakhstan, nabulabog ang diskarte ng Kazakhs at itinakbo ng Rain or Shine-backed Nationals ang kumbinsidong 96-59 sa debut game sa 2018 Asian Games men’s basketball kahapon.
Sa umpisa pa lang ng laro sa Gelora Bung Karno Sports Complex sa Jakarta ay hindi na pinaporma ng mga bataan ni Yeng Guiao ang Kazakhs na 1 for 12 lang mula sa field sa first 10 minutes.

Ang pito sa siyam na puntos ng Kazakhs ay galing sa free throw line, samantalang naka-16 ang Filipinos.

Pinuri ni Guiao ang kanyang ­coaching staff, sa pangunguna ni Caloy Garcia ng Elasto Painters, sa mahusay na scouting.
“We were able to disrupt their offense,” ani Guiao. “We were able to challenge their shots.”

Napuwersa ng Gilastopainters ang Kazakhs sa 11 turnovers sa first half na nai-convert sa 18 points tungo sa 41-20 lead ng Filipinos sa break.
“Our anticipation was good and that’s because of the scouting that we did and the implementation and the execution of our game plan,” dagdag ng NLEX coach.
Bahagyang nakabalik ang Kazakhs­tan nang tapusin ang third sa 23-20 scoring, pero abante pa rin ng 18 ang Pilipinas papasok ng fourth.
Sa kabuuan ay 13 of 32 sa perimeter ang Kazakhs, 5 of 28 lang sa 3s.
Sa kabila, 23 ang pumasok sa 39 na pinukol ng Pilipinas sa two-point range at may 12 treys.
Si Paul Lee ay perpektong 3 for 3 mula long range sa fourth, sa pangatlo niya ay umagwat ang Filipinos 81-52.
Pati si Asi Taulava, naipasok ang pangatlong pukol sa rainbow country. Sunod na haharapin ng Gilasto­painters ang China sa Aug. 21. (Vladi Eduarte)