Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Diskarte ni Jamie aprub sa magulang

0 57

Kahit kilala at matagumpay ang kanyang mga magulang, ipinunto ni Karate Sports Pilipinas Federation, Inc. (KSPFI) member Jamie Kristine Lim, na hindi siya pinipresyur ng ng mga ito upang magaya ang ama’t ina.

Anak ang 23-anyos, na may may taas 5-4 at tubong Maynila na karateka nina Philippine Basketball Association (PBA) legend Avelino ‘Samboy’ Lim Jr. at dating Pag-IBIG Fund CEO Darlene Berberabe.

“My parents, both parents, are very supportive and they actually never pressured me to be as amazing as they are,” lahad ng 2019 Southeast Games gold medalist sa season finale ng Tiebreaker Vods’ So She Did podcast nitong Sabado.

“They just love me and what was important to them was for me to do my best in everything I do,” dagdag pa ng Summa Cum Laude graduate ng BS Mathematics sa University of the Philippines-Diliman.

Pinanapos ng dalaga, na galing sa kanya ang naramdamang presyur dahil sa sobrang paghanga sa kanyang mga magulang. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.