Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Diskarte sa COVID bakuna sabog

0 70

Nilinaw ni Senate President Vicente `Tito’ Sotto III na pangunahing agenda ng ipinatawag nilang pagdinig ang malaman kung ano ang plano ng gobyerno sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19 at pagsasagawa ng malawakang pagturok nito sa mamamayan, partikular sa mga prayoridad ng gobyerno na mabakunahan.

Ipinahayag ito ni Sotto sa panayam sa radyo nitong Sabado kung saan isa sa mga isyung pinag-usapan ang bakuna kontra COVID.

“Ang issue ano ang roadmap gusto makita ng Senado saan gagastusin ang P72.5B na inilagay namin sa budget para sa vaccine. Paano bibili, paano distribution, sino gagamitan, ano efficacy?” ani Sotto.

Ang sinasabi ni Sotto na P72.5 bilyon ay pondong inilaan ng Kongreso sa ilalim ng inaprubahan nang P4.5 trillion General Appropriations Act para ipambili ng bakuna laban sa COVID.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ginawa ni Sotto ang paglilinaw matapos na ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya papayagang paharapin sa imbestigasyon ng Senado ang Presidential Security Group (PSG).

“Ang thinking do not diver the issue of the COW [Committee of the Whole], the main concern is the roadmap. `Wag natin haluan ng problema ng FDA saka DOH kung bakit may nag-i-import ng gamot. Ang `di nila nababanggit, ilang korporasyon na nakapag-distribute, meron na. Ano sinasabi ng DOH at saka FDA? Bakit pag-iinitan nila ang ilang sundalo?” sabi ni Sotto.

“Tama sabi ni Sen [Panfilo] Lacson bakit niyo gustong pag-usapan ang PSG samantalang ang isyu bakit wala pa tayong bakuna, `yon ang tanong dapatA. Ang gusto nila tanungin, bakit meron kayo? Napakapangit ng gusto nila tanong? Bakit mga korporasyon `di nila tanungin, ini-immunize na ang mga empleyado nila at ang Senado may plano nang ganyan, binanggit na ni Sen Migz [Zubiri] bakit `di natin asikasuhin mga empleyado natin,” ani Sotto.

Matatandaang maging ang mga local government unit (LGU) ay dumidiskarte na rin para makabili ng sariling bakuna laban sa COVID para sa kanilang mga mamamayan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.