Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Diskarteng patok

0 99

Isang biyuda at isang legal na hiwalay sa asawa ang pinakamataas na mga lider natin sa gobyerno.

Pareho silang mga magulang pero magkaiba ang diskarte ng liderato.

Yung isang lider, brusko at kamay na bakal ang istilo ng pamamalakad sa bansa.

Samantala, tipikal na nanay naman ang istratehiya ng isa pang lider na si Vice President Leni Robredo, na mahinahon pero epektibo sa pagpapasunod sa kanyang mga “anak”.

Sino sa dalawang ito ang mas epektibo?

Kitang-kita naman ang sagot. Suriin natin ang ginagawang vaccination program ng pamahalaan.

Marso pa lang nang hikayatin ng Pangulo ang publiko na magpabakuna bilang proteksyon sa peligro ng COVID-19.

Halos hilong-talilong na ang gobyerno para makumbinsi ang mga tao na magpabakuna pero wa epek at dedma pa rin ang karamihan.

Sa isip ng Presidente, mukhang mauunsyami ang target niyang makamit ang herd immunity sa bansa pagsapit ng Nobyembre dahil sa katigasan ng bungo ng mga ayaw pa ring magpabakuna.

Sa pikon ng Presidente, ipapaaresto raw niya ang mga ayaw magpabakuna o di kaya’y lumayas na lang ang mga ito sa Pilipinas kung hindi sila susunod.

SM food to go Banner Ad

Tiyempo naman na kinabukasan, may Vaccine Express pala si Vice Pres. Leni kung saan ay nagbigay siya ng gas incentive sa mga nagpabakunang TODA drivers at delivery riders sa Maynila.

Eh sino ba ang aayaw sa ganito? Marami ang nagpabakuna dahil mahinahon silang napaliwanagan ng bentahe nito may pabaon pa silang P500 para pang-gas.

Mapapabigkas ka na nga lang tuloy ng “sana all” eh. Naproteksyunan ka na, may pang-gas ka pa.

Napaisip tuloy ang mga TODA driver at riders. Ang laki raw ng pagkakaiba ng dalawa nating lider ng gobyerno.

Si Nanay Leni panalo sa mahinahong pagpapasunod samantalang si Tatay bumubuga.

Sabagay, wala namang pagkakaiba ang role ni Nanay Leni sa kanyang pamilya at sa gobyerno.

Single mother na biyuda at pinagkakaitan pa ng papel sa gobyerno. In short, mag-isa si Nanay Leni na gumagalaw para masigurong maayos ang lahat.

Si Vice Pres. Leni, tipikal na nanay. Siya yung tipong nagsisilbing liwanag sa kanyang mga mahal sa buhay sa panahon ng mga pagsubok tulad ng nararanasan natin ngayon na pandemya.

At kung lahat ng nabubulok na bahay ay mayroong katulad ni Nanay Leni, eh di sana lahat nasa kaayusan di ba? “Sana all” nga talaga.

Leave A Reply

Your email address will not be published.