Abante Tonite Interactive

Diskriminasyon ‘di pakay sa National ID system

111

Nilinaw ni Senador­ Bam Aquino na hindi­ gagamitin para sa diskriminasyon ng sinuman ang itinutulak sa National lD system, kundi ito’y para sa mas mahusay na serbisyo ng pamahalaan at kaligtasan ng lahat.

Ang paglilinaw na ito ay kasunod na rin ng ulat na plano ng ilang local government units (LGUs) na ang pagbibigay ng ID ay para sa mga Muslim lamang.

“This should pave the way to more effective ways of delivering go­vernment services such as anti-poverty programs and other social services to improve the quality of life for all. Let’s not allow it to be used as a tool for discrimination.

“Singling Muslims out, giving them an ID and branding them as a potential threat will not make our communities safer. It will only sow ani­mosity,” ayon sa senador.

Sa halip, paliwanag ni Aquino, ang ID system ay daan upang maging higit na epektibo ang paghahatid serbisyo ng pamahalaan at hindi para mang-api ng ibang sektor.

Sa National ID system, magkakaroon na lamang ng iisang ID para sa pagkakakilanlan ng isang indibidwal at sa pamamagitan nito ay mas magiging mabilis na ang transaksiyon sa pamahalaan.