Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Diskuwento ng mga senior sa tubig, kuryente dinoble

0 236

Mabibigyan pa ng mas malaking diskuwento ang mga senior citizen sa kanilang bayarin sa tubig at kuryente matapos aprubahan ng Kamara ang dalawang panukalang batas hinggil dito.

Sa virtual hearing ng House committee on senior citizens kahapon, napagkasunduan na mula sa kasalukuyang 5% na diskuwento na itinakda sa Expanded Senior Citizens Act o Republic Act No. 9994, itataas na ito sa 10%.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Paliwanag ni Senior Citizens party-list Rep. Rodolfo Ordanes, chairman ng komite, bukod sa dinoble ang diskuwento, pinalawak pa ang sakop nito.

Nakapaloob pa aniya sa panukala na hindi na rin sisingilin ng value-added tax ang electricity at water bills na nakapangalan sa mga senior citizen. (Eralyn Prado/Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.