Abante Tonite Interactive

Diskuwento sa mga estudyanteng kapos

By
7

Kung may batas na nagbibigay ng diskuwento sa mga senior citizens sa kanilang mga basic needs at services, nais naman ngayon ng isang senador na bigyan din ng diskuwento ang mga estudyanteng kapos sa pangangailangang pinansiyal o tinatawag na underprivileged students.

Sa Senate Bill 134 na inihain ni Senador Sonny Angara, hiniling nito ang pagbibigay ng 5 percent discount sa basic at education services ng mga underprivileged students tulad ng food establishments, gamot, textbooks at school supplies, gayundin ang tuition, miscellaneous, at iba pang bayarin sa eskuwelahan.

Ayon pa sa senador, hindi naman lahat ng mga estudyanteng kapos na nakakuha ng scholarship grants ay sigurado na ring makakapagtapos dahil sa kakulangan ng panggastos sa kanilang mga panga­ngailangan sa araw-araw partikular na ang gastusin sa eskuwelahan.

Naniniwala ang senador, malaki ang maitutulong ng panukala para matugunan ang mataas na gastusin sa edukasyon gayundin ang pang-araw-araw na gastusin sa eskuwelahan.