Abante Tonite Interactive

Diskuwento sa travel tax ng mga estudyante, senior, PWD umabante

262

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukala na magkakaloob ng 20 porsiyentong diskuwento sa travel tax ng mga estudyante, senior citizen at kababayang may kapansanan o person with disability (PWD).

Umaabot sa 178 kongresista ang bumoto ng pabor sa House Bill (HB) No. 8884.

Walang kumontra at wala ring abstention.

Si Laguna Rep. Arlene Arcillas ang pangunahing nag-akda ng panukala.

“It seeks to amend Presidential Decree No. 1183 and specify that travel tax exemption may now be availed by the following: (a) students who represent their schools and the country in international sports tournaments and academic competitions, as well as (b) Philippine representatives to academic conferences and competitions, to international sports competitions, and to international beauty pageants,” ayon sa panukala.