Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Diskwento ng mga atleta epektibo na

0 68

Magagamit na ng mga national athlete at coach ang 20% diskuwento na nakasaad sa batas matapos matanggap na ang discount booklet at ID.

Ang Philippine Sports Commission (PSC) ang nagpadala ng discount ID at booklets sa mahigit 1,000 na miyembro ng national teams sa kanilang mga tahanan sa kapuluan.

Unang hiniulog ng government sports agency ang dalawa sa tatlong batches ng booklets para magamit ang 20% discount ng national athletes at coaches base sa Republic Act 10699 o “National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act (Republic Act 10699).”

“We are doing our best to deliver everything within this month even though there are lockdowns due to the pandemic and the limited workforce. We are doing our best to comply with it as much as possible this 3rd week of September we should have sent the last batch,” paliwanag nitong Linggo ni PSC Assistance Coordination Division at frontline personnel head Manuel Bitog. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.