Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Diskwento sa mga atleta ikinatuwa

0 204

Labis ang katuwaan at pasasalamat ng mga national athlete, coach at maging ng opisyal ng mga opisyal ng national sports association (NSAs) ang mabilis na pagpapalabas ng dokumento at pamamahagi ng mga identification card para sa 20% diskuwento base sa isang batas.

“Finally! Thank you, PSC (Philippine Sports Commission) Chairman William Ramirez for ID and roll out of RA 10699. Long time coming and so worth the wait. Big help for national coaches and athletes,” komento nitong Miyerkoles ni Pilipinas Sepaktakraw Association Inc. (PSAI) Karen Claire Caballero.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakatakda nang ipamahagi ng PSC ang mga ID card at booklet sa mahigit 800 athlete at coach na makakasama sa Benefits and Privileges for National Athletes and Coaches o RA10699.

Kabilang rito ang 20% discount sa lahat ng establisimyento, transportation services, hotels, lodgings, restaurants, recreation centers, gamot at sports equipments, admission fees sa cinema houses at concert halls, circuses, carnivals, leisures at amusement at marami pang iba. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.