Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dismis na kaso ko – Carter

0 81

Nilinaw ni Philippine Judo Federation (PJF) president David Carter na matagal ng dismis kaso niya sa National Bureau of Investigation (NBI) na acts of lasciviousness at lumutang lang dahil sa disqualification sa kanyang pagkandidato sa director sa eleksiyon sa Philippine Olympic Committee (POC) sa Nobyembre 27.

Anang opisyal, taong 2009 pa ang kaseo at kaya lang lumutang muli ngayong 2020 ay para abalahin at makasira sa kanya patungo sa halalan.

“That time, it was intended to disqualify me for my NSA election back in 2008. Tapos nung 2009 itinuloy ang sampa nung case. Nagulat kami kasi walang subpoena, wala preliminary hearing tapos nakasampa. Then when we verified, false ‘yung facts dun sa affidavit. Wala ring lumitaw na complainant. Pinuntahan namin ‘yung place of residence, nag-certify ‘yung baranggay na walang ganung nakatira dun. Then the judge dismissed it,” sabi ni Carter.

Kabilang si Carter sa limang kandidato na nasa petition for disqualifications sa POC elections. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.