Abante Tonite Interactive

Disneyland-Hong Kong pinaka-safe

460

Recently nagpunta ako ng Hong Kong at kababalik ko nga lang din kahapon. Um-attend kasi ako ng Cosmoprof and Cosmopack Expo. Bale Expo siya ng mga beauty products, cosme­tics at mga packaging para sa lahat ng klase ng pampaganda.

Nag-check in kami sa hotel sa may Disneyland 25 mins lang galing sa airport. Kasi may nagsabi sa amin, pinaka-safe ang Disneyland.

Napakatahimik nga doon at nu’ng sumilip kami sa loob. Hindi ‘yung usual dami ng tao ang nandoon. Pero nakakatuwa kasi may mga kapwa Pinoy pa rin akong nakita na nagbabakasyon at mga nagtatrabaho sa Disneyland. Sa akin, if may plano kayong dalhin ang anak niyo sa Disneyland, safe naman doon sa area at perfect timing kasi ‘di mahaba ang pila ng bawat rides.

Pero ‘wag kayo pupunta ng Central kasi nu’ng nandoon kami nasa news ‘yung na­ging violent na mga protester. Ultimo mga shop maaga nagsasara mga 3pm pa lang at meron naman mga ilan lang ang bukas. Sa airport naman malungkot din kasi ang Hong Kong ang isa sa mga busiest airport sa buong mundo pero halos konti lang ang tao at nagsisaraduhan na ang ibang shops doon sa mga malapit sa check in counters. Ang laki ng binagsak ng tourism ng Hong Kong kasi dati ang dami talagang tao. Ngayon parang Holy Week sa ‘Pinas ang dating doon ‘yung maluwag, walang gaanong sasakyan sa daan masyado at sa mga sakayan iilan ilan lang mga tao hindi siksikan ‘di tulad before. Hindi nga pala ako nag-train, nagta-taxi lang ako at bus kasi ayoko mag-risk dahil na-penetrate na rin ng protesters ang schools, MTR and even malls ginulo na rin nila. Sumaglit din ako sa Macau kasi 30 mins drive lang papunta doon mula Hong Kong. Puwede rin kayo mag-ferry. Maayos sa Macau at walang gulo tulad ng sa Hong Kong.

Sana maayos na ang gulo sa Hong Kong pero sa tingin ko matatagalan pa ‘yan. Pray natin matapos na ang gulo sa kanila dahil isa ang HK na madaling puntahan at masaya rin puntahan lalo na tayong mga Pinoy.