Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dispatcher minarder

0 252

NASAWI ang isang dispatcher nang pagbabarilin ng di nakilalang suspek habang ipinaparada ang kanyang motorsiklo sa Dasmarinas City, Cavite.

Dead on the spot ang biktimang si Arjay Espenida, 25, ng Blk 86 lot 4, Bautista property, Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City sanhi ng tama ng bala sa katawan.

Inaalam naman ang pagkakakilalan ng tumakas na suspek.

SM food to go Banner Ad

Sa ulat ni Corporal Aaron John Golo, ng Dasmarinas City Police, alas-5:48 kamakalawa ng gabi nang maganap ang insidente sa may Brgy H-2 ng naturang Lungsod.

Habang ipinaparada ng biktima ang kanyang motorsiklo ay nilapitan siya ng suspek at walang sabi-sabing binaril na siya niyang ikinamatay.

Inaalam pa ngayon kung ano ang motibo sa krimen. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.