Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Distance learning palalawigin para sa mga kulelat

0 49

Ipinahayag ng isang opisyal ng Department of Education (DepEd) na balak nilang pahabain pa ang academic calendar ngayong panahon ng pandemya o school year 2020-2021.

Sa Facebook post ng DepEd nitong Linggo, nakasaad na sinabi ni Undersecretary Diosdado San Antonio sa isang panayam sa telebisyon, na bagama’t wala pang eksaktong petsa kung hanggang kailan tatagal ang school year ay tinitingnan ng kagawaran ang pagpapalawig ng school year.

“Wala pang definite number of weeks na extension pero isa `yan sa tinitingnan namin,” pahayag ni San Antonio.

Layon umano nito na mabigyan pa ng pagkakataon ang mga estudyante na makapagpasa ng kanilang mga academic requirement, lalo na iyong mga nahihirapan sa pag-aaral.

“Para ang lahat ng mag-aaral, lalo na iyong medyo nagkakaroon ng challenges, ay mabigyan ng pagkakataon na maisumite ang mga kailangang gawin,” paliwanag ni San Antonio.

Base sa DepEd, nakatakda sanang matapos ang school year 2020-2021 sa Hunyo 11.

Leave A Reply

Your email address will not be published.