Abante Tonite Interactive

Distor NBI OIC sa pagretiro ni Gierran

266

Itinalaga ng Malacañang ang isang opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) bilang ­officer-in-charge ng ahensiya kasunod ng pagreretiro sa serbisyo ni Director Dante Gierran.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na magiging OIC si NBI Assistant ­Director Eric Bito-on Distor hangga’t hindi pa nakakapili ang Palasyo ng magiging permanenteng kapalit ni Gierran.

“There is a new officer-in-charge of the National Bureau of Investigation following the retirement of the Director. It’s Eric Bito-on Distor, effective February 23, 2020 until a replacement is approved or until otherwise decided by the Office of the Executive Secretary,” ani Panelo.

Pinirmahan ng Malacañang ang appointment ni Distor noong Pebrero 21.
Si Distor ay nagsilbing assistant director para sa Intelligence Service ng NBI gayundin ng Internal Affairs Service nito. (Aileen Taliping)