Abante Tonite Interactive

Distressed OFWs sa Qatar, balik `Pinas na

0 398

Umabot sa 278 distressed overseas Filipino workers (OFWs) ang nakauwi na ng Pilipinas mula sa Doha, Qatar.

Ang umuwing mga OFW ay sakay ng chartered flight PR685 ng Philippine Airlines.

Ilang mga tauhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang sumalubong sa mga OFW sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa kagawaran, ito ang unang DFA-funded repatriation katuwang ng Philippine Embassy sa Doha.

Gayundin, dadaan ang mga bagong uwing OFW sa 14-day mandatory quarantine. (Mina Aquino)

Tonite – Wendys Inhouse Ad