Abante Tonite Interactive

Distrito ng Rizal Province dadagdagan

313

Suportado ng mga lokal na opisyal ng Rizal ang panukala ni 2nd District Rep. Fidel Nograles na karagdagang representasyon para sa mamamayan ng lalawigan sa Kamara.

Ayon kay Gov. Rebecca ‘Nini’ Ynares, nagkakaisa ang pamahalaang panlalawigan at ang 14 na alkalde sa panukalang biyakin ang ikalawang distrito sa tatlong magkakahiwalay na distrito sa ilalim ng House Bill No. 336 ni Nograles upang mabigyan ng sapat na representasyon ang mga mamamayan ng Rizal sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

“There is a consensus among Rizal officials that such a measure is long overdue given the growth of Rizal’s population,” saad ni Ynares.

Magkakaroon ng dalawa pang karagdagang distrito ang Rizal mula sa kasalukuyan na apat sa ilalim ng inihain na panukalang batas ni Nograles.

Sa ilalim ng HB 336, ang mga bayan ng Baras, Cardona, Jala-Jala, Morong, Pililla, Rodriguez (Montalban), San Mateo, Tanay at Teresa na kalukuyang sakop ng ikalawang distrito at hahatiin sa tatlong legislative districts.

Ang mga bayan ng Cardona, Baras, Tanay, Morong Jala Jala, Pililia, at Teresa ay mananatili sa ikalawang distrito samantalang ang mga bayan ng San Mateo at Rodriguez (Montalban) ay magkakaroon ng hiwalay na legislative districts.

Paliwanag naman ni Vice Gov. Reynaldo San Juan Jr., suportado ng lahat ng mi-yembro ng Sangguniang Panlalawigan ang karagdagang representasyon para sa Rizal sa ilalim ng HB 336 dahil ang ikalawang distrito sa ilalim ni Nograles may hi-git sa isang milyong constituents na at katumbas ito ang halos kalahati ng populasyon ng lalawigan.

“Rep. Nograles has to serve a little more than one million constituents as the se-cond district alone has over half the entire population of Rizal. More representation in Congress means more legislators to serve the people of Rizal,” giit ni San Juan.

Tiwala si Nograles na susuportahan ng kanyang mga kapwa kongresista sa Kamara ang kanyang inihain na panukala na magbibigay ng dagdag boses para sa mga residente ng Rizal

“I am confident that my colleagues in the House will recognize the needs of my constituents and support this effort to give the people of Rizal a greater voice in the Legislature,” saad ni Nograles.

Mula sa apat ay magiging anim na ang representasyon Rizal sa Mababang Kapulungan kung sakaling maisabatas ang panukala.