Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Diver bangkay na lumutang

0 521

Natagpuang patay ang isang 28-anyos na freelance information technology (IT) matapos itong mag-dive kasama ang mga kaibigan sa Mabini, Batangas noong Sabado.

Kinilala ang biktima na si Adrian Valerio, taga-Barangay Sun Valley, Parañaque City.

Sa report ng Mabini police, ika-2:00 ng hapon nang mag-diving ang biktima at kanyang tropa at kanilang mga diving coaches sa diving site sa Barangay Bagalangit.

Makalipas ang 2-oras, umahon na ng grupo dahil sa malakas na agos at malalaking alon.

SM food to go Banner Ad

Pagdating sa resort, napansin ng mga kasama na nawawala ang biktima.

Agad nagsagawa ng search ang rescue operation hanggang sa matagpuang nakalutang sa dagat at wala ng buhay ang biktima alas-8:00 ng gabi.

Wala namang nakitang anumang sugat sa katawan nito at maayos pa ring nakakabit ang lahat ng mga diving gear nito.

Inaalam ngayon kung ano ang ikinamatay ni Valerio. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.