Abante Tonite Interactive

Divorce bill, madaling maipapasa- Lagman

3,124

Kumpiyansa ang mga kongresista na nagtutulak ng divorce bill na makakaabante ito sa Kamara.

Inihayag ni Albay Rep. Edcel Lagman, isa sa mga nag-akda ng panukala na posibleng maisalang na sa debate sa plenaryo ang naturang panukala bago ang paggunita ng International Day for Women sa Marso 8, ngayong taon.

“I assure you that this bill is easier to enact than the reproductive health bill,” pangako ni Lagman.

Immediate-Hiring-Ads

Sa ilalim ng naturang panukala ay mas magiging mabilis na ang proseso ng paghihiwalay ng mag-asawa na nawalan na ng saya at tamis ang pagsasama.

Nabatid na si Lagman ang tumatayo ring pinuno ng technical working group (TWG) na siyang humihinang sa mga nakikitang butas at mga implikasyon ng panukala.

Kasama rin sa hinihimay ang panukala ni Speaker Pantaleon Alvarez na dissolution of marriage.

Sinasabing nagkaisa sina Lagman at Alvarez na maisulong ang panukala.

“The aggrieved wife will be exempt from court fees. The court can appoint a counsel to represent the petitioner who can come from the IBP (Integrated Bar of the Philippines) or other legal aid groups,” ayon kay Lagman.