Abante Tonite Interactive

Divorce bill tinalakay na sa Senado

248

Bukas umano ang mga senador na talakayin ang panukalang divorce bill, ayon kay Senador Risa Hontiveros, chairman ng Senate women, children, family relations and gender equality committee.

“Hindi kasing open ang balance of force noon (17th Congress), mas open ngayon, I think sa 18th Congress,” paha­yag ni Hontiveros matapos ang unang pagdinig ng Senado sa naturang panukala.

Una nang sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na karamihan sa mga senador ay bukas na pagdebatehan ang divorce bill basta’t huwag lang gamitin ang terminong divorce.

Aniya, mas madali umano kung ang pag-uusapan ay dissolution of marriage sa halip na divorce.

Pero para kay Hontiveros, divorce o dissolution of marriage man ang gamiting termino, ang importante aniya ay mabigyan ng chance ang panukala na matalakay at maintindihan ng publiko.

“We can call it whate­ver we want. Divorce. Dissolution of marriage or ano pa man. Ang mahalaga, bigyan natin ng se­cond chance ang ating mga kababayan,” sabi ni Hontiveros.

(Dindo Matining)