Abante Tonite Interactive

DIY: Improvised fire extinguisher

By
242

Dahil fire prevention month, kailangan nating maging ‘always ready’.

Isa sa itinuro noon ng Bureau of Fire Protection ay kung paano gumawa ng improvised fire extinguisher para madaling maapula ang maliit pa lamang na sunog at ‘di na ito kumalat pa.

Mga gamit na dapat ihanda:
Plastic bottle
Tubig
Suka
Detergent (liquid)
Tissue
Baking soda

Paano gawin?

Ihanda ang plastic bottle at isalin dito ang pinaghalong 50 porsiyentong suka, 30 porsiyentong tubig, at 20 porsiyentong liquid detergent.

Butasin ang takip ng basyo ng bote ng plastic at isuksok ang tissue na may lamang baking soda.
Tiyaking hindi tatama ang tissue sa acid solution.

Pagsapit ng emergency o ‘di inaasahang sunog ay alugin lamang ito kapag gagamitin na.