Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Diyos ‘di dapat gamitin sa botohan! ‘Religious oligarch’ dapat itumba ni Duterte – Lagman

0 284

RP

Para kay Albay Rep. Edcel Lagman, ang ‘religious oligarch’ dapat ang pagtuunan ng pansin ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa mga pakikialam nito sa desisyon ng kanilang miyembro tungkol sa ilang isyu, kasama na ang eleksyon at umano’y pressure para mapasara ang ABS-CBN.

“It is an open secret that an influential religious group has pressured not a few members of the House of Representatives to reject ABS-CBN’s application for a franchise renewal because of its perception that the reportage of the network on a particular issue was against its interests,” lahad ni Lagman.

Hindi man pinangalanan ni Lagman, may ilang report na nagdadawit sa Iglesia ni Cristo sa pagkait ng prangkisa sa ABS-CBN dahil nais din umano ng sekta na makuha ang frequency ng network.

Kilala din ang INC sa bloc voting, o pagboto para sa mga irerekumendang sekta ng mga lider ng kanilang relihiyon.

“The pulpit or the altar should be used to propagate the word of God, not to demonize policymakers or encroach on the sanctity of the ballot,” aniya pa.

“These religious oligarchies are more insidious because they do not only control the mind but also the spirit of their followers under the pain of eternal damnation or defeat at the polls of the candidates they oppose.”

Saad pa ng kongresista, hindi dapat dinidiktahan ng mga religious group kung sino man ang iboboto ng kanilang mga miyembro.

“If we want our electorate to develop and mature, we should stop the pernicious practice of candidates trooping to priests and ministers during election time supplicating for their endorsement,” lahad ng mambabatas.

Leave A Reply

Your email address will not be published.