Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dizon adviser ni Digong sa COVID response

0 31

Tiniyak ni National Task Force Against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na mananatiling testing czar si Vince Dizon at patuloy na katuwang ng pamahalaan para labanan ang pandemya sa bansa.

Inihayag pa ni Galvez na itinalaga pa umano si Dizon bilang presidential adviser for COVID response.

“He’s still the testing czar and I believe he was given another [job] as a presidential adviser for Covid-19 response. It is more responsive,” ani Galvez.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi ito ng kalihim matapos salubungin ang 700,000 doses ng AstraZeneca vaccine na donasyon ng pamahalaan ng Australia nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sa Pasay City.

Nauna rito ay itinanggi ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ang mga ulat na sumama na umano si Dizon sa campaign team ni Mayor Isko Domagoso. Ang mga ispekulasyon ay matapos na magbitiw si Dizon sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA) noong Oktubre 15. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.