Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dizon dinepensahan ‘dugyot’ na quarantine facility

0 96

Dumipensa si COVID-19 response deputy chief Sec. Vince Dizon sa reklamo ng mga balikbayang dinala sa isang hotel na ginawang quarantine facility sa Batangas na umano’y hindi katanggap-tanggap dahil sa maduming kondisyon nito.

Ani Dizon, naabot ng Canyon Woods ang kwalipikasyon ng pamahalaan bilang quarantine facility at ginagamit na ito nang 3 buwan. Dagdag pa niya, binigyan naman umano ng pagpipilian ang ilang hindi komportable sa pasilidad, para lumipat sa pinili nilang hotel, pero sila na ang magbabayad sa gastos.

“‘Yong hotel na ‘yun ay matagal na ginagamit natin para i-quarantine ang ating mga OFWs. Ito po ay isang maayos na hotel, hindi lang po ito 5-star hotel pero dahil nga po gusto nating tulungan ang ating mga kababayan… ito po ay libre na pinoprovide ng ating gobyerno,” paliwanag niya.

Nanatili rin umano sa hotel ang kalahati ng higit 100 balikbayan.

Nauna rito, napaulat ang reklamo ng mga balikbayan sa madumi at hindi magandang serbisyo sa hotel.

Humingi naman ng pag-unawa si Dizon sa mga balikbayan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.